Statement of the Prosecutor, Fatou Bensouda, on her request to open an investigation of the Situation in the Philippines
Today, I announce that the preliminary examination into the situation in the Republic of the Philippines ("the Philippines") has concluded and that I have requested judicial authorisation to proceed with an investigation.
As I stated in December 2019, at the annual session of the Assembly of States Parties, before I end my term as Prosecutor of the International Criminal Court ("ICC" or the "Court"), I intend to reach determinations on all situations that have been under preliminary examination during my tenure, as far as I am able to do so in accordance with my obligations under the Rome Statute. In that statement, I also indicated the high likelihood that several preliminary examinations would progress to the investigative stage.
The situation in the Philippines has been under preliminary examination since 8 February 2018. During that time, my Office has been busy analysing a large amount of publicly available information and information provided to us under article 15 of the Statute. On the basis of that work, I have determined that there is a reasonable basis to believe that the crime against humanity of murder has been committed on the territory of the Philippines between 1 July 2016 and 16 March 2019 in the context of the Government of Philippines "war on drugs" campaign. The Office does not take a position on any government's internal policies and initiatives intended to address the production, distribution and consumption of psychoactive substances within the parameters of the law and due process of law, and in the present case, it is duly acting strictly in accordance with its specific and clearly defined mandate and obligations under the Statute. Following a thorough preliminary examination process, the available information indicates that members of the Philippine National Police, and others acting in concert with them, have unlawfully killed between several thousand and tens of thousands of civilians during that time. My Office has also reviewed information related to allegations of torture and other inhumane acts, and related events as early as 1 November 2011, the beginning of the Court's jurisdiction in the Philippines, all of which we believe require investigation.
Aware of the complex operational challenges that will be faced by the Office if an investigation is authorised by the Pre-Trial Chamber, we have also been taking a number of measures to collect and preserve evidence, in anticipation of a possible investigation. These steps have been taken within the scope of the statutory powers entrusted to the Prosecutor by the Rome Statute at the preliminary examination stage, and where appropriate, we have sought and obtained judicial authorisation to do so. Indeed, in recent years, Pre-Trial Chambers of the Court have increasingly stressed the importance of utilising the full range of powers that may be available to the Court prior to the initiation of an investigation to preserve evidence and protect persons who may be at risk. We have acted diligently in conformity with this judicial guidance.
Having reached this determination and implemented these measures, some of which were delayed by the onset of the global pandemic, on 12 April 2021, I notified the Presidency of my intention to file a request pursuant to article 15 of the Statute, which I proceeded to file on 24 May 2021. Today, I have filed a public redacted version of the request, in the interests of transparency and also to provide notice to the victims as foreseen in rule 50(1) of the Rules of Procedure and Evidence of the Court.
Although the withdrawal of the Philippines from the Rome Statute of the ICC took effect on 17 March 2019, as the Court has previously found in the context of the Burundi situation, the Court retains jurisdiction over crimes that are alleged to have occurred on the territory of that State during the period when it was a State Party to the Rome Statute. Moreover, these crimes are not subject to any statute of limitation.
My term as Prosecutor will end shortly. Any authorised investigation in the Philippines will fall to my able successor, Mr Karim Khan, to take forward. In this context, it is clear that how the Office, under his leadership, will set priorities concerning this investigation will need to take into account the operational challenges arising from the continuing pandemic, the severe limitations on the ICC's available resources, and the Office's current heavy work commitments. Indeed, these considerations have been a key component of the discussions I have had with my successor, respecting the transition and handover of the Office's workload.
As I stated many times before, the Court today stands at a cross-roads in several concurrent situations, where the basis to proceed is legally and factually clear, but the operational means to do so are severely lacking. It is a situation that requires not only prioritization by the Office, which is constantly being undertaken, but also open and frank discussions with the Assembly of States Parties, and other stakeholders of the Rome Statute system, on the real resource needs of the Court that will allow it effectively to execute its statutory mandate. There is a serious mismatch between situations where the Rome Statute demands action by the Prosecutor and the resources made available to the Office. As the end of my term approaches, I reiterate my call for a broader strategic and operational reflection on the needs of the institution, and what it is intended to achieve - in short, an honest reflection on our collective responsibility under the Rome Statute to advance the fight against impunity for atrocity crimes. The victims of these egregious crimes deserve nothing less.
The Office of the Prosecutor of the ICC conducts independent and impartial preliminary examinations, investigations and prosecutions of the crime of genocide, crimes against humanity, war crimes and the crime of aggression. Since 2003, the Office has been conducting investigations in multiple situations within the ICC's jurisdiction, namely in Uganda; the Democratic Republic of the Congo; Darfur, Sudan; the Central African Republic (two distinct situations); Kenya; Libya; Côte d'Ivoire; Mali; Georgia, Burundi; Bangladesh/Myanmar, Afghanistan (subject to a pending article 18 deferral request) and Palestine. The Office is also currently conducting preliminary examinations relating to the situations in Bolivia; Colombia; Guinea; Venezuela I; and Venezuela II; and has completed its preliminary examinations of the situations in Ukraine and Nigeria, which are pending requests to seek authorisation to proceed to investigation, and in the situation in the Philippines, which is pending judicial authorisation.
For further details on "preliminary examinations" and "situations and cases" before the Court, click here, and here.
Ngayong araw na ito, ipinapahayag ko na ang paunang pagsusuri sa sitwasyon ng Republika ng Pilipinas ("Pilipinas") ay natapos na at ako ay humiling ng panghukumang pahintulot na umpisahan ang imbestigasyon.
Gaya ng aking ipinahayag noong Disyembre 2019, sa taunang sesyon ng Kapulungan ng mga Kapartidong mga State (Assembly of States Parties), bago matapos ang aking panunungkulan bilang Taga-usig ng Internasyonal na Korte ng mga Kriminal ("ICC" o "Korte"), layunin kong makamit ang mga kapasyahan sa lahat ng mga sitwasyon na sumailalim sa paunang pagsusuri sa panahon ng aking panunungkulan, hanggang sa aking makakaya alinsunod sa aking mga obligasyon sa ilalim ng Batas ng Roma (Rome Statute – "Batas"). Sa pahayag na iyon, ipinahiwatig ko rin ang mataas na posibilidad na ang ilang mga paunang pagsusuri ay hahantong sa yugto ng pag-iimbestiga.
Ang sitwasyon sa Pilipinas ay sumailalim sa paunang pagsusuri mula noong ika-8 ng Pebrero 2018. Sa panahong iyon, naging abala ang aking Tanggapan sa pagsusuri ng maraming mga impormasyong ipinalabas sa publiko at mga impormasyong ibinigay sa amin sa ilalim ng artikulo 15 ng Batas ng Roma. Batay sa trabahong iyon, napagpasyahan ko na may makatuwirang batayan upang paniwalaan na may nagawang krimen na pagpatay laban sa sangkatauhan (crime against humanity of murder) sa teritoryo ng Pilipinas sa pagitan ng ika-1 ng Hulyo 2016 at ika-16 ng Marso 2019 sa konteksto ng kampanya ng Pamahalaan ng Pilipinas na "giyera laban sa droga". Ang Tanggapan ay walang pagkiling sa anumang mga panloob na patakaran at inisyatiba ng pamahalaan na naglalayong harapin ang produksyon, pamamahagi at pagkonsumo ng mga psychoactive substance sa loob ng parametro ng batas at kaparaanan ng batas (due process of law), at sa kasalukuyang kaso, ito ay marapat na kumukilos nang mahigpit na naaayon sa tiyak at malinaw na tinukoy na mandato at mga obligasyon sa ilalim ng Batas. Kasunod ng masusing proseso ng paunang pagsusuri, ang nakukuhang impormasyon ay nagpapahiwatig na ang mga miyembro ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas (Philippine National Police), at iba pang mga kaisa nila sa ganitong gawain, ay labag sa batas na pumatay ng mga libo-libo hanggang sampu-sampong libong mga mamamayan noong panahon na iyon. Ang aking Tanggapan ay nagsuri din ng impormasyon na may kinalaman sa mga alegasyon ng torture at iba pang di-makataong mga gawain, at mga kaugnay na mga pangyayari noon pa mang ika-1 ng Nobyembre 2011, ang pagsisimula ng hurisdiksyon ng Korte sa Pilipinas, na lahat ay pinaniniwalaan naming kailangang imbestigahan.
Batid namin na masalimuot ang mga hamon sa operasyon na haharapin ng Tanggapan kung pahihintulutan ng Kamara Bago ang Paglilitis ang isang imbestigasyon, gumagawa rin kami ng ilang mga hakbang upang mangalap at mag-preserba ng ebidensya, bilang paghahanda sa posibleng imbestigasyon. Ang mga hakbang na ito ay isinagawa nang hindi lumalabas sa saklaw ng kapangyarihan sa batas na ipinagkaloob ng Batas ng Roma sa Taga-usig sa yugto ng paunang pagsusuri, at kung naaangkop, humingi kami at nakakuha ng pahintulot ng hurisdiksyon upang gawin ito. Sa katunayan, sa mga nakaraang taon ang mga Kamara Bago ang Paglilitis ng Korte ay dumadalas ang pagbibigay-diin sa kahalagahan ng paggamit sa buong saklaw ng mga kapangyarihan na makukuha ng Korte bago ang pagsisimula ng imbestigasyon upang ma-preserba ang ebidensya at ma-protektahan ang mga tao na maaaring nanganganib. Masigasig kaming kumilos nang naaayon sa panghukumang patnubay na ito.
Nang marating ang pagpapasyang ito at maipatupad ang mga hakbang na ito, na ang ilan ay naantala sa pagdating ng pandaigdigang pandemya, noong ika-12 ng Abril 2021, ipinabatid ko sa tanggapan ng Pangulo ang aking layunin na maghain ng kahilingan alinsunod sa artikulo 15 ng Batas, na aking sinimulang ihain noong ika-24 ng Mayo 2021. Ngayon ay naghain ako ng pampublikong itinamang bersyon ng kahilingan, para sa interes ng pagiging bukas (transparent) at magbigay din ng abiso sa mga biktima na nakinita sa patakaran 50(1) ng mga Patakaran ng Pamamaraan at Ebidensya ng Korte.
Bagaman ang pag-alis ng Pilipinas sa Batas ng Roma ng ICC ay nagkabisa noong ika-17 ng Marso 2019, gaya ng naunang napag-alaman ng Korte sa konteksto ng sitwasyon ng Burundi, mananatiling may hurisdisyon ang Korte sa mga krimen na diumano'y nangyari sa teritoryo ng State sa panahon na ito ay Kapartidong State sa Batas ng Roma. Bukod pa rito, ang mga krimen na ito ay hindi napapailalim sa anumang batas ng limitasyon (statute of limitation).
Ang aking panunungkulan bilang Taga-usig ay magtatapos na. Anumang pinahintulutang imbestigasyon sa Pilipinas ay ipapasa sa aking kahalili, si Mr Karim Khan, upang ipagpatuloy ito. Sa kontekstong ito, sa ilalim ng kanyang pamumuno, malinaw na sa pagtatakda ng Tanggapan ng mga uunahin kaugnay ng imbestigasyong ito ay kailangan nitong isaalang-alang ang mga hamon sa operasyon na nagmumula sa patuloy na pandemya, sa mga matitinding limitasyon sa magagamit na mga rekurso ng ICC, at sa kasalukuyang mabibigat na trabahong tinanggap ng Tanggapan. Sa katunayan, ang mga konsiderasyong ito ay mahalagang bahagi ng mga talakayan namin ng aking kahalili, na may paggalang sa transisyon at pagpapasa ng trabaho ng Tanggapan.
Gaya ng ipinahayag ko nang maraming beses na, ang Korte ngayon ay nasa sangang-daan ng ilang magkakasabay na mga sitwasyon, kung saan ang basehan ng pagpapatuloy ay ayon sa batas at malinaw na katotohanan, ngunit ang kakayahan sa operasyon na gawin ito ay lubhang kulang. Ito ay sitwasyon na nangangailangan hindi lamang ng kaalamang mag-prayoridad ng Tanggapan, na lagi namang isinasagawa, kundi nangangailangan din ng bukas at prankang mga talakayan sa Kapulungan ng mga Kapartidong mga State, at sa iba pang mga stakeholder sa sistema ng Batas ng Roma, tungkol sa tunay na mga pangangailangan sa rekurso ng Korte na magbibigay-daan upang mabisa nitong maipatupad ang mandato nito sa batas. May malalang di-pagkakatugma sa mga sitwasyon kung saan ang Batas ng Roma ay humihingi ng aksyon sa Taga-usig at sa mga rekurso na makukuha ng Tanggapan. Dahil nalalapit na ang pagwawakas ng aking panunungkulan, nais kong ulitin ang aking panawagan para sa mas malawak na paglilimi sa stratehiya at operasyon sa mga pangangailangan ng institusyon at ang nilalayon nitong makamit — sa madaling salita, isang matapat na pagninilay sa ating kolektibong responsibilidad sa ilalim ng Batas ng Roma upang labanan ang kawalang kaparusahan para sa mga krimen ng kalupitan, alang-alang sa mga biktima ng ganitong mga malalang krimen.
Ang Tanggapan ng Taga-usig ng ICC ay nagsasagawa ng malaya at walang kinikilingang paunang pagsusuri, mga imbestigasyon at mga pag-uusig sa krimen ng pagpatay ng lahi, mga krimen laban sa sangkatauhan, mga krimen sa giyera at krimen ng pananalakay. Mula noong 2003, ang Tanggapan ay nagsasagawa ng mga imbestigasyon sa maraming mga sitwasyon sa loob ng hurisdiksyon ng ICC, gaya ng Uganda; ang Demokratikong Republika ng Congo; Darfur, Sudan; ang Republika ng Gitnang Aprika (dalawang magkakaibang sitwasyon); Kenya; Libya; Republika ng Baybaying Garing; Mali; Georgia; Burundi; Bangladesh/Myanmar; Afghanistan (napapailalim sa isang nakabinbing artikulo 18 na kahilingan sa pagpapaliban) at Palestine. Kasalukuyan ding nagsasagawa ang Tanggapan ng mga paunang pagsusuri na nauugnay sa mga sitwasyon sa Bolivia; Colombia; Guinea; Venezuela I at Venezuela II; at nakumpleto ang mga paunang pagsusuri nito sa mga sitwasyon sa Ukraine at Nigeria, na nakabinbin ang mga kahilingang mabigyan ng pahintulot na magpatuloy sa pag-iimbestiga.
Para sa karagdagang mga detalye sa "mga paunang pagsusuri" at "mga sitwasyon at mga kaso" sa harap ng Korte, mag-click dito, at dito.
Pinagmulan: Tanggapan ng Taga-usig |[email protected]