Press Release: 24 June 2022 |

Statement of the Prosecutor of the International Criminal Court, Karim A. A. Khan QC, following the application for an order under article 18(2) seeking authorisation to resume investigations in the Situation in the Philippines

Image
ICC Prosecutor Karim A.A. Khan QC


Today, I filed an application before Pre-Trial Chamber I of the International Criminal Court (“ICC” or the “Court”) seeking authorisation for my Office to resume its investigation in the Situation in the Republic of the Philippines (“Philippines”).

On 15 September 2021, Pre-Trial Chamber I authorised my Office to investigate alleged crimes against humanity committed on the territory of the Philippines between 1 November 2011 and 16 March 2019 in the context of the Philippine Government’s so-called “war on drugs”.

On 10 November 2021, the Government of the Philippines requested, pursuant to article 18(2) of the Rome Statute, that I defer my investigation into the Philippines Situation, on the basis that national authorities were investigating, or had already investigated, alleged murders falling within the parameters of Pre-Trial Chamber I’s authorisation decision. My Office accordingly suspended investigative activities, as required by the Statute, whilst considering the Philippines’ request. We proceeded to engage with the Philippine authorities, mindful of the principle of complementarity, including with a detailed request for additional information under rule 53 of the ICC Rules of Procedure and Evidence. The Philippines provided additional information to my Office in December 2021 and again in March 2022, all of which has been made available to Pre-Trial Chamber I along with today’s application. I take this opportunity to commend the Government of the Philippines for its constructive engagement in the matter.

After a careful and thorough review of all the information provided by the Philippines, as well as other information available publicly, provided by third parties, or already in our collection, I have concluded that the deferral requested by the Philippines is not warranted, and that the investigation should resume as quickly as possible.

The majority of the information provided by the Philippine Government relates to administrative and other non-penal processes and proceedings which do not seek to establish criminal responsibility, and therefore cannot warrant deferral of the ICC’s criminal investigation. The various proceedings referenced by the Philippines also fail to sufficiently mirror the authorised ICC investigation, as required by articles 17 and 18 of the Rome Statute, because the Philippines has not asserted that it is investigating any conduct occurring in Davao from 2011 to 2016, any crimes other than murder, any killings outside official police operations, any responsibility of mid- or high-level perpetrators, or any systematic conduct or State policy.

The Philippine Government has referred to a relatively small number of past or ongoing criminal investigations and prosecutions that appear to fall within the parameters of the ICC investigation. However, with a handful of exceptions, the Philippine Government has failed to provide any documentation to substantiate that the investigations are ongoing or complete, nor any details regarding concrete investigative or prosecutorial steps that have been taken.

In short, the deferral of the ICC investigation requested by the Philippines is not justified. Meanwhile, as already recognised by Pre-Trial Chamber I in its decision authorising the investigation, there are clear indications that crimes against humanity were committed in the Philippines. Under the Rome Statute’s core principle of complementarity, States always have the first opportunity to investigate allegations of such crimes committed on their territory or by their nationals. However, when national authorities fail to act, the Court must step in, and that is why I have filed today’s application.

I have informed the Philippine authorities of my intention to file today’s application. In my letter, I made clear – and I repeat here now – that I remain ready and willing to continue the productive dialogue we have had since November 2021, and to explore ways in which, moving forward, we can effectively cooperate to deliver justice to victims in the Philippines.


For further details on "preliminary examinations" and "situations and cases" before the Court, click here, and here.


Ngayong araw na ito, naghain ako ng aplikasyon sa Pre-Trial Chamber I ng International Criminal Court (“ICC” o ang “Korte”) na humihingi ng pahintulot na ipagpatuloy ng aking Tanggapan ang imbestigasyon nito sa Sitwasyon sa Republika ng Pilipinas (“Pilipinas”) .

Noong ika-15 ng Setyembre 2021, pinahintulutan ng Pre-Trial Chamber I ang aking Tanggapan na maimbestigahan ang diumanong mga krimen laban sa sangkatauhan na isinagawa sa teritoryo ng Pilipinas mula ika-1 ng Nobyembre 2011 hanggang ika-16 ng Marso 2019 sa konteksto ng tinatawag na “giyera laban sa droga” ng Pamahalaan ng Pilipinas.

Noong ika-10 ng Nobyembre 2021, hiniling ng Pamahalaan ng Pilipinas, alinsunod sa artikulo 18(2) ng Kasunduan ng Roma (“Kasunduan”), na ipagpaliban ko ang aking pag-iimbestiga sa Sitwasyon ng Pilipinas, sa dahilang ang mga pambansang awtoridad ay nag-iimbestiga, o nakapag-imbestiga na, sa diumanong mga patayan na saklaw ng desisyon ng Pre-Trial Chamber I na nagpapahintulot ng imbestigasyon. Dahil dito, sinuspinde ng aking Tanggapan ang mga gawaing pag-iimbestiga, alinsunod sa mga kinakailangan ng Kasunduan, habang pinag-aaralan ang kahilingan ng Pilipinas. Nagpatuloy kami sa pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad ng Pilipinas, habang isinasaisip ang prinsipyo ng complementarity, kasama ang detalyadong kahilingan para sa karagdagang impormasyon, ayon sa alintuntunin (rule) 53 ng Mga Alintuntunin sa Pamamaraan at Ebidensya ng ICC. Ang karagdagang impormasyon na ibinigay ng Pilipinas sa aking Tanggapan noong Disyembre 2021 at muli noong Marso 2022, ay ibinahagi sa Pre-Trial Chamber I, kasama rito ang aplikasyon ngayong araw na ito. Gusto kong samantalahin ang pagkakataong ito upang batiin ang makabuluhuang pakikipag-ugnayan ng Pamahalaan ng Pilipinas hinggil sa usaping ito.

Pagkaraan ng maingat at masinsing pagsusuri sa lahat ng impormasyong ibinigay ng Pilipinas, maging sa iba pang mga impormasyong bukas sa publiko, ang mga nagmula sa mga ikatlong partido, o sa mga impormasyong nasa amin nang pag-iingat, napagpasyahan ko na ang pagpapalibang hinihiling ng Pilipinas ay hindi makatuwiran, at nararapat na ipagpatuloy ang imbestigasyon sa lalong madaling panahon.

Karamihan sa impormasyong ibinigay ng Pamahalaan ng Pilipinas ay nauugnay sa administratibo at iba pang hindi kriminal na mga proseso at legal na hakbang na hindi naglalayong patunayan ang pananagutang kriminal, at samakatuwid ay hindi makatuwiran na ipagpaliban ang imbestigasyong kriminal ng ICC. Ang iba’t-ibang mga legal na hakbang na tinutukoy ng Pilipinas ay nabigo ring tumbasan nang sapat ang awtorisadong imbestigasyon ng ICC, alinsunod sa mga artikulong 17 at 18 ng Kasunduan, dahil hindi iginiit ng Pilipinas na iniimbestigahan nito ang anumang gawain na nagaganap sa Davao mula 2011 hanggang 2016, anumang mga krimen maliban sa pagpatay, anumang mga pagpatay sa labas ng mga opisyal na operasyon ng pulisya, anumang pananagutan ng mga salaring may mataas o kalagitnaang posisyon, o anumang sistematikong gawain o patakaran ng Estado.

Itinukoy ng Pamahalaan ng Pilipinas ang hindi kadamihang bilang ng naisagawa o kasalukuyang mga imbestigasyong kriminal at pag-uusig na maaring saklaw ng imbestigasyon ng ICC. Gayunpaman, bukod sa iilang pagkakataon, ang Pamahalaan ng Pilipinas ay nabigong magbigay ng anumang dokumentasyon upang mapatunayan na ang mga imbestigasyon ay tumatakbo o nagtapos na, o magbigay ng anumang mga detalye ukol sa konkretong imbestigasyon o mga hakbang na isinagawa sa pag-uusig.

Sa madaling salita, hindi makatuwiran ang hinihiling ng Pilipinas na pagpapaliban sa imbestigasyon ng ICC. Samantala, tulad ng naisaad na ng Pre-Trial Chamber I sa desisyon nito na nagpapahintulot sa imbestigasyon, may mga malinaw na indikasyong isinagawa ang mga krimeng laban sa sangkatauhan sa Pilipinas. Sa ilalim ng pinaka-ubod na prinsipyo na complementarity ng Kasunduan, ang mga Estado ay palaging mayroong unang pagkakataong imbestigahan ang mga paratang na ang naturang mga krimen ay isinagawa sa kanilang teritoryo o ng kanilang mga mamamayan. Gayunpaman, kapag nabigo ang mga pambansang awtoridad na kumilos, ang Korte ay nararapat pumasok, at ito ang dahilan kung bakit ako naghain ng aplikasyon sa araw na ito.

Ipinaalam ko sa mga awtoridad ng Pilipinas ang aking intensyon na maghain ng aplikasyon sa araw na ito. Sa aking liham sa kanila, nilinaw ko – at muli ko ditong ipinababatid – na nananatili akong handa at buong kaloobang ipagpatuloy ang aming produktibong pakikipagtalastasan mula noong Nobyembre 2021, at tuklasin ang mga paraan kung saan, mula ngayon, maaari kaming epektibong magtulungan upang maihatid ang hustisya sa mga biktima sa Pilipinas.

Para sa karagdagang mga detalye sa “mga paunang pagsusuri” at “mga sitwasyon at mga kaso” sa harap ng Korte, mag-click dito, at dito.


Pinagkunan: Tanggapan ng Tagausig| Contact: [email protected]

Pahayag ng Tagausig ng International Criminal Court, Karim A. A. Khan QC, kasunod ng aplikasyon para sa isang kautusan sa ilalim ng artikulo 18(2) na humihingi ng pahintulot na ipagpatuloy ang mga imbestigasyon sa Sitwasyon sa Pilipinas
Source: Office of the Prosecutor | Contact: [email protected]