Statement of the ICC Office of the Prosecutor on the arrest of former Philippine President Rodrigo Roa Duterte

The Office of the Prosecutor of the International Criminal Court (ICC) welcomes the arrest and transfer of the suspect Mr Rodrigo Roa Duterte, former President of the Philippines, on 11 March 2025 by the authorities of the Republic of the Philippines. Mr Duterte has been arrested in the context of the Office’s ongoing investigation into the Situation in the Republic of the Philippines.

ICC Prosecutor Karim A.A. Khan KC on the arrest of former Philippine president Duterte
On the basis of its independent and impartial investigations, the Office of the Prosecutor alleges that Mr Duterte, as founder and head of the Davao Death Squad, then Mayor of Davao City, and subsequently as the President of the Philippines, is criminally responsible for the crime against humanity of murder (article 7(1)(a) of the Rome Statute) committed in the Philippines between 1 November 2011 and 16 March 2019. Mr Duterte is alleged to have commited these crimes as part of a widespread and systematic attack directed against the civilian population.
In the warrant of arrest it issued on 7 March 2025, Pre-Trial Chamber I determined that there are reasonable grounds to believe that Mr Duterte bears criminal responsibility for the crime against humanity of murder. The Chamber also noted that the case against Mr Duterte falls within the jurisdiction of the Court as the alleged crimes occurred during the period when the Philippines was a State Party to the Rome Statute, the ICC’s founding treaty.
The arrest of Mr Duterte is an important development in the Office’s pursuit of accountability in the Situation in the Republic of the Philippines for alleged crimes committed in the context of the so-called “war on drugs” campaign.
The Office has been able to conduct this work through the coordinated efforts of its Philippines Unified Team, under the guidance and leadership of Deputy Prosecutor Mame Mandiaye Niang, as well as its newly-established Tracking and Information Fusion Section and other relevant components of the Office. The Office is also grateful for the work of the Registry and the effective coordination of efforts to secure the arrest of the suspect.
This is a crucial step in our continuous work to ensure accountability for the victims of the most serious crimes under ICC jurisdiction. The Office is now commencing preparations towards the initial appearance and subsequent judicial proceedings before the Court.
The Office wishes to thank all the victims, survivors, witnesses and activists from the Philippines who have stepped forward to cooperate in the Office’s investigation. Their strength, courage, and perseverance make these significant developments possible. Those who wish to further cooperate or who have relevant information are encouraged to do so via the Office’s Witness Appeal portal.
The Office’s investigation in the Situation in the Republic of the Philippines continues. In pursuing further accountability in this Situation, the Office hopes to engage with the Philippine authorities on potential avenues of cooperation, and will continue to rely on the partnership of national authorities, regional and international organisations, civil society, and the communities affected by Rome Statute crimes.
More information:
Witness Appeal: Situation in the Republic of the Philippines
Tinatanggap ng Tanggapan ng Tagausig ng Pandaigdigang Hukuman sa Krimen (ICC – International Criminal Court) ang pag-aresto ng mga awtoridad ng Republika ng Pilipinas at paglilipat sa kustodiya ng akusadong si G. Rodrigo Roa Duterte, dating Pangulo ng Pilipinas, noong ika-11 ng Marso 2025. Si G. Duterte ay inaresto kaugnay ng patuloy na imbestigasyon ng Tanggapan hinggil sa Sitwasyon sa Republika ng Pilipinas.

ICC Prosecutor Karim A.A. Khan KC on the arrest of former Philippine president Duterte
Batay sa malaya at walang kinikilingang imbestigasyon, ipinapalagay ng Tanggapan ng Tagausig na si G. Duterte, bilang tagapagtatag at pinuno ng Davao Death Squad, dating Alkalde ng Lungsod ng Davao, at kalaunan bilang Pangulo ng Pilipinas, ay may pananagutang kriminal para sa krimen laban sa sangkatauhan (crime against humanity) sa salang pagpatay (artikulo 7(1)(a) ng Rome Statute) na ginawa sa Pilipinas sa pagitan ng ika-1 ng Nobyembre 2011 at ika-16 ng Marso 2019. Sinasabing ginawa ni G. Duterte ang mga krimeng ito bilang bahagi ng malawakan at sistematikong pag-atake sa sibilyang mamamayan.
Sa ipinalabas nitong warrant of arrest noong ika-7 ng Marso 2025, tinukoy ng Pre-Trial Chamber I na may mga makatwirang batayan upang paniwalaan na si G. Duterte ay may pananagutang kriminal para sa crime against humanity sa salang pagpatay. Binigyang-diin din ng mga hukom na saklaw ng hurisdiksyon ng Hukuman ang kaso laban kay G. Duterte sapagkat naganap ang mga sinasabing krimen noong panahong kasapi pa ang Pilipinas sa Rome Statute, ang kasunduang nagtatag sa ICC.
Ang pag-aresto kay G. Duterte ay isang mahalagang hakbang sa pagsisikap ng Tanggapan na panagutin ang mga may sala sa sinasabing krimen na ginawa sa konteksto ng tinaguriang “kampanya laban sa droga” sa Sitwasyon ng Republika ng Pilipinas.
Naisagawa ng Tanggapan ang hakbang na ito sa pamamagitan ng pag-iimbestiga ng Philippines Unified Team, sa ilalim ng patnubay at pamumuno ni Deputy Prosecutor Mame Mandiaye Niang, gayundin ng pagsisikap ng bagong tatag na Tracking and Information Fusion Section at iba pang mga kaugnay na sangay ng Tanggapan. Ipinaaabot din ng Tanggapan ang pasasalamat nito sa trabaho ng Registry ng ICC at sa mabisang koordinasyon upang magawang arestuhin ang akusado.
Mahalagang hakbang ito sa aming patuloy na pagsisikap upang tiyaking mapanagot ang mga may sala, alang-alang sa mga biktima ng pinakamalalalang krimen na saklaw ng hurisdiksyon ng ICC. Ang Tanggapan ay kasalukuyang naghahanda para sa paunang pagharap at mga susunod na paglilitis sa Hukuman.
Ang Tanggapan ay nagpapasalamat sa lahat ng mga biktima, mga nakaligtas, mga saksi at mga aktibista mula sa Pilipinas na naglakas-loob na makipagtulungan sa imbestigasyon ng Tanggapan. Ang kanilang lakas, tapang, at pagpupunyagi ang nagbigay-daan upang maisulong nang husto ang kasong ito. Hinihikayat ang sinumang nais pang makipagtulungan o may mahalagang impormasyon na makipag-ugnayan sa pamamagitan ng portal ng Tanggapan na Panawagan Para sa mga Saksi
Patuloy ang imbestigasyon ng Tanggapan hinggil sa Sitwasyon sa Republika ng Pilipinas. Sa pagsisikap na higit pang mapanagot ang mga may sala hinggil sa Sitwasyong ito, umaasa ang Tanggapan na makipag-ugnayan sa mga awtoridad ng Pilipinas sa mga posibleng paraan ng pakikipagtulungan, at patuloy din nitong inaasahan ang pakikipagtuwang sa mga pambansang awtoridad, mga organisasyong panrehiyon at pandaigdigan, mga sektor ng lipunan, at mga pamayanang apektado ng mga krimeng saklaw ng Rome Statute.
Karagdagang impormasyon:
Witness Appeal: Situation in the Republic of the Philippines
Mula sa: Tanggapan ng Tagausig | Contact: [email protected]