ICC Pre-Trial Chamber I authorises Prosecutor to resume investigation in the Philippines
Today, 26 January 2023, Pre-Trial Chamber I of the International Criminal Court (“ICC” or “Court”) granted the Prosecutor’s request to resume investigation into the Situation of the Republic of the Philippines (“the Philippines”). Following a careful analysis of the materials provided by the Philippines, the Chamber is not satisfied that the Philippines is undertaking relevant investigations that would warrant a deferral of the Court’s investigations on the basis of the complementarity principle.
After having examined the submissions and materials of the Philippines Government, and of the ICC Prosecutor, as well as the victims’ observations, the Chamber concluded that the various domestic initiatives and proceedings, assessed collectively, do not amount to tangible, concrete and progressive investigative steps in a way that would sufficiently mirror the Court’s investigation.
This conclusion does not preclude the Philippines from providing material in the future in order for the Prosecution, or the Chamber, to determine inadmissibility of the investigation or of any actual case, if and when needed.
Background: On 24 May 2021, the Office of the Prosecutor (OTP) requested authorisation from the Pre-Trial Chamber to initiate an investigation into crimes allegedly committed on the territory of the Philippines between 1 November 2011 and 16 March 2019 in the context of the Government of the Philippines' "war on drugs" campaign. On 14 June 2021 the OTP Request was made public. On 15 September 2021, the Pre-Trial Chamber authorised the investigation.
According to article 18(2) of the Rome Statute “[…] a State may inform the Court that it is investigating or has investigated its nationals or others within its jurisdiction with respect to criminal acts […]. At the request of that State, the Prosecutor shall defer to the State's investigation of those persons unless the Pre-Trial Chamber, on the application of the Prosecutor, decides to authorize the investigation.”
On 18 November 2021, the ICC Prosecutor informed the Chamber that the Republic of the Philippines requested, pursuant to Article 18(2) of the Rome Statute, that the investigation into the Philippines situation be deferred. On 24 June 2022, the ICC Prosecutor requested the Chamber to resume the investigation into the situation in the Philippines pursuant to article 18(2). On 8 September 2022, further observations from the Philippines were received, to which the Prosecutor responded on 22 September. On 22 September 2022, the Chamber also received views and concerns of victims.
The Philippines, State party to the Rome Statute since 1 November 2011, deposited a written notification of withdrawal from the Statute on 17 March 2018. While the Philippines' withdrawal from the Statute took effect on 17 March 2019, the Court retains jurisdiction with respect to alleged crimes that occurred on the territory of the Philippines while it was a State Party.
For further information, please contact Fadi El Abdallah, Spokesperson and Head of Public Affairs Unit, International Criminal Court, by telephone at: +31 (0)70 515-9152 or +31 (0)6 46448938 or by e-mail at: [email protected]
You can also follow the Court’s activities on Twitter, Facebook, Tumblr, YouTube, Instagram and Flickr
Ngayong araw na ito, ika-26 ng Enero 2023, ang Pre-Trial Chamber I ng Pandaigdigang Hukumang Pangkrimen (International Criminal Court) (“ICC” o “Korte”) ay pumayag sa kahilingan ng Tagausig na ipagpatuloy ang imbestigasyon sa Sitwasyon ng Republika ng Pilipinas (“ang Pilipinas”). Kasunod ng maingat na pagsusuri sa mga materyal na ibinigay ng Pilipinas, ang Kamara ay hindi nasisiyahan na ang Pilipinas ay nagsasagawa ng mga kaugnay na imbestigasyon na mangangailangan ng pagpapaliban ng mga pag-iimbestiga ng Korte batay sa prinsipyo ng complementarity.
Matapos suriin ang mga isinumite at mga materyales ng Pamahalaan ng Pilipinas, at ng Tagausig ng ICC, pati na rin ang mga naobserbahan ng mga biktima, napagpasyahan ng Kamara na ang iba't ibang mga inisyatiba at paglilitis sa loob ng bansa (Pilipinas), na pinagsama-samang tinasa, ay hindi katumbas ng nasasalat, kongkreto at progresibong mga hakbang sa pag-iimbestiga sa paraang sapat na sasalamin sa imbestigasyon ng Korte.
Ang konklusyong ito ay hindi hahadlang sa Pilipinas na magbigay ng materyal sa hinaharap upang matukoy ng Prosekusyon, o ng Kamara, ang hindi pagiging katanggap-tanggap ng imbestigasyon o ng anumang aktwal na kaso, kung at kapag kinakailangan.
Background: Noong ika-24 ng Mayo 2021, humiling ang Tanggapan ng Tagausig (OTP) ng awtorisasyon mula sa Pre-Trial Chamber para simulan ang imbestigasyon sa mga krimen na diumano’y ginawa sa teritoryo ng Pilipinas sa pagitan ng ika-1 ng Nobyembre 2011 at ika-16 ng Marso 2019 sa konteksto ng kampanyang "digmaan laban sa droga" ng Pamahalaan ng Pilipinas. Noong ika-14 ng Hunyo 2021 ang Kahilingan ng OTP ay isinapubliko. Noong ika-15 ng Setyembre 2021, pinahintulutan ang imbestigasyon ng Pre-Trial Chamber.
Ayon sa artikulo 18(2) ng Batas ng Roma (Rome Statute) “[…] maaaring ipaalam sa Korte ng isang Estado na ito ay nag-iimbestiga o nag-imbestiga sa mga mamamayan nito o sa iba pa na nasa hurisdiksyon nito patungkol sa mga kriminal na gawain […]. Sa kahilingan ng Estadong iyon, ipapaubaya ng Tagausig sa Estado ang pag-iimbestiga sa mga taong iyon maliban na lang kung ang Pre-Trial Chamber, dahil sa aplikasyon ng Tagausig, ay magpasiyang pahintulutan ang imbestigasyon.”
Noong ika-18 Nobyembre 2021, ipinaalam ng Tagausig ng ICC sa Kamara na ang Republika ng Pilipinas ay humiling, alinsunod sa Artikulo 18(2) ng Batas ng Roma, na ipagpaliban ang pag-iimbestiga sa sitwasyon ng Pilipinas. Noong ika-24 ng Hunyo 2022, ang Tagausig ng ICC ay humiling sa Kamara na ipagpatuloy ang imbestigasyon sa sitwasyon sa Pilipinas alinsunod sa artikulo 18(2). Noong ika-8 ng Setyembre 2022, may karagdagang mga obserbasyon mula sa Pilipinas na natanggap, kung saan nagbigay ng tugon ang Tagausig noong ika-22 ng Setyembre. Noong ika-22 ng Setyembre 2022, ang Kamara ay nakatanggap din mga pananaw at alalahanin ng mga biktima.
Ang Pilipinas, na isang Partido ng Estado (State Party) ng Batas ng Roma mula noong ika-1 ng Nobyembre 2011, ay naghain ng nakasulat na abiso ng pag-alis mula sa Batas noong ika-17 ng Marso 2018. Habang ang pag-alis ng Pilipinas mula sa Batas ay nagkabisa noong ika-17 ng Marso 2019, ang Korte ay nananatiling may hurisdiksyon sa mga may kinalaman sa diumano'y mga krimen na nangyari sa teritoryo ng Pilipinas habang ito ay isang State Party.
Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan kay Fadi El Abdallah, Tagapagsalita at Pinuno ng Public Affairs Unit, International Criminal Court, sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono sa: +31 (0)70 515-9152 o +31 (0)6 46448938 o pag-e-mail sa: [email protected]
Maaari mo ring sundan ang mga aktibidad ng Korte sa Twitter, Facebook, Tumblr, YouTube, Instagram at Flickr
Karong adlawa, petsa 26 sa Enero 2023, ang Pre-Trial Chamber I nga Pang-internasyonal nga Korteng Pangkrimen (International Criminal Court) (“ICC” o “Korte”) niuyon sa hangyo sa Piskal nga ipadayon ang imbestigasyon kabahin sa Sitwasyon sa Republika sa Pilipinas (“ang Pilipinas”). Nagsunod sa maampingon nga pagtuki sa mga materyales nga gihatag gikan sa Pilipinas, wala nakontento ang Kamara nga ang Pilipinas naghimo ug adunay kalabotan nga imbestigasyon nga nagkinahanglan ug pagpa-irog sa mga imbestigasyon sa Korte nga kini gibase sa prinsipyo nga magtinabangay kabahin sa sitwasyon (complementarity principle).
Pagkahuman nga gisusi ang mga gipangpasa ug ang mga materyales gikan sa Gobyerno sa Pilipinas, ug sa Piskal sa ICC, apil pod ang mga naobserbahan sa mga biktima, nagdesisyon ang Kamara nga ang lain laing panimalaynon nga mga inisyatibo ug paghusay sa panaghiusang mga pag-usisa, dili takdo sa makamkam, konkreto ug progresibong mga lakang sa imbestigasyon nga sa niining pamaagiha supisyenteng masalamin ang imbestigasyon sa Korte.
Dili makababag kining konklusyon sa Pilipinas nga mohatag ug materyal sa umaabot nga panahon para nga mahibal-an sa Prosekusyon, o sa Kamara, kabahin sa dili madawat nga imbestigasyon o ang bisan unsa nga aktwal nga kaso, kung ug kanus-a kinahanglanon.
Background: Sa petsa 24 sa Mayo 2021, nihangyo ang Opisina sa Piskal (OTP) ug pagtugot gikan sa Pre-Trial Chamber para sugdan ang imbestigasyon kabahin sa mga krimen nga gibuhat kuno sa teritoryo sa Pilipinas sa taliwala sa petsa 1 sa Nobyembre 2011 ug sa petsa 16 sa Marso 2019 sa konteksto sa kampanyang “giyera batok sa droga" sa Gobyerno sa Pilipinas. Sa petsa 14 sa Hunyo 2021 ang Hangyo sa OTP gipahibalo sa publiko. Sa petsa 15 sa Setyembre 2021, ang Pre-Trial Chamber naghatag ug pagtugot sa imbestigasyon.
Gibase sa artikulo 18(2) sa Balaod sa Roma (Rome Statute) “[…] mahimong magpahibalo ang Estado sa Korte nga nag-imbestigar kini o giimbestigahan ang mga molupyo niini o ang uban pa nga may kalabutan sa hurisdiksyon niini kabahin sa mga kriminal nga gibuhat […]. Sa hangyo sa anang Estado, itugyan sa Piskal ang pag-imbestigar gikan sa Estado kabahin nianang mga tawo pwera lang kung ang Pre-Trial Chamber, tungod sa aplikasyon sa Piskal, magdesisyon nga tugotan ang pag-imbestigar.”
Sa petsa 18 Nobyembre 2021, ang Piskal sa ICC nagpahibalo sa Kamara nga ang Republika sa Pilipinas nihangyo, gibase sa Artikulo 18(2) sa Balaod sa Roma (Rome Statute), nga ipa-irog ang pag-imbestigar kabahin sa sitwasyon sa Pilipinas. Sa petsa 24 sa Hunyo 2022, gihangyo sa Piskal sa ICC ang Kamara nga ipadayon ang imbestigasyon kabahin sa sitwasyon sa Pilipinas nga gibase sa artikulo 18(2). Sa petsa 8 sa Setyembre 2022, adunay mga dugang nga mga obserbasyon gikan sa Pilipinas nga nadawat, ug kini gitubag sa Piskal sa petsa 22 sa Setyembre. Sa petsa 22 sa Setyembre 2022, nakadawat pod ang Kamara ug mga panan-aw ug mga kabalaka gikan sa mga biktima.
Ang Pilipinas, nga usa ka Estadong partido (State Party) sa Balaod sa Roma (Rome Statute) gikan pa sa petsa 1 sa Nobyembre 2011, nagpasa ug nakasulat nga pahibalo kabahin sa pagbiya gikan sa Balaod sa petsa 17 sa Marso 2018. Mentras ang pagbiya sa Pilipinas gikan sa Balaod nagsugod sa petsa 17 sa Marso 2019, nagpabilin sigihapon ang hurisdiksyon sa Korte kabahin sa sa mga nabuhat nga mga krimen kuno sa teritoryo sa Pilipinas mentras nga kini usa ka Estadong Partido.
Para sa dugang nga impormasyon, puwede nga motawag ni Fadi El Abdallah, Representante sa Public Affairs Unit, International Criminal Court, tawagan ang numero sa telepono nga: +31 (0)70 515-9152 o +31 (0)6 46448938 o mag-e-mail sa: [email protected]
Puwede pod nimong tan-awon ang mga aktibidades sa Korte sa Twitter, Facebook, Tumblr, YouTube, Instagram ug Flickr